Lunes, Setyembre 23, 2013
UNTV's Plug awarded by UP Gandingan
Biyernes, Setyembre 6, 2013
WITHOUT PORK BARREL, PUBLIC- SERVICE IS PUBLIC SERVICE.
PANALO MO, TULONG MO: 1st UNTV CUP Inilunsad
ISKOLAR SA TUNAY NA KAHULUGAN
Marahil hindi
na kaila sa ating pandinig ang mga katagang “edukasyon lang ang aming
maipapamana”. Madalas itong wikain ng mga matatanda, ng ating mga magulang. Hyperbole
o sa eksaheradong pananalita, “dugo’t pawis” ang ginugugugol upang maigapang at
mabigyan ng maayos na edukasyon ang mga anak.
Historically speaking,
ang Pilipinas ay nasa 3rd world country at ngayon ay maituturing ng
developing country. Bagaman, isa ang edukasyon sa prayoridad ng pamahalaan sa financial
budget, marami pa ring mga kabataang Pilipino ang walang kakayahang makapag-aral. May awitin pa ngang “Grade one lang ang
tinapos, no read- no write pa…” naglalarawan ito sa matinding kahirapan at
kawalan ng kakayahang makapag-aral.
Kung ating
titignan, may mga batang nakakapagtapos ng hayskul, subalit ‘di na naabot pa
ang tertiary level o kolehiyo. Isang paraan naman ang paglalagay ng mga scholarship
programs upang makatulong sa mga kabataang nagnanais na makapag-aral subalit
walang kakayahan.
Ano nga ba
ang “Scholar”?
Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang salitang “scholar” ay mula sa orihinal Latin word na schola, Late Latin scholaris, Old-English na scoliere, Old French na escolar at English na school. Ito ay simpleng nangangahulugan sa isang tao na nag-aaral sa eskwelahan.
Una itong ginamit noong 12th Century. Sa paglaon ng
panahon, hanggang sa ngayon, ang “Scholar” o iskolar sa wikang Filipino ay tumutukoy
sa mga taong may mataas na kalidad ng kaalaman at nasa ilalim ng isang institusyon
ng akademya. Isa ding kahulugan nito ay mga kabataang tinutustusan ng mga
pribadong grupo o ng pamahalaan. Kaugnay nito, sinasala o dumadaan sa screening ang mga
estudyante na naghahangad na maging iskolar. Kinakailangan din na mapanatili
ang grado na hinihingi ng eskwelahan para makapagpatuloy sa pagiging iskolar.
Subalit, karamihan sa scholarship programs ay pinagugugulan pa din ng salapi gaya ng mga miscellaneous fees na hindi na sakop ng mga nagpapa-aral at nagiging pasanin na din ng mga magulang o tumatayong guardian ng mga estudyante.
Maraming mga unibersidad ang nag-aalok ng mga scholarship programs, sa aking paghahanap natagpuan ko ang isang eskwelahang bago noon sa akin, at masasabi kong kaiba sa halos lahat ng institusyon na nalalaman ko.
Ang LVCC, bukod
sa Free Education o Scholarship Program ay nagbibigay din ng mga sumusunod.
Libreng uniporme, (free uniform) libreng tanghaliaan (Free lunch), Stipend o
allowance sa mga walang pamasahe, Libreng access sa mga educational materials
at computers. Sagot din ng paaralan ang mga miscellaneous fees.
Ayon sa
Vice-chairman Emeritus na si Kuya Daniel Razon, ang ibang unibersidad ay nag
re- require ng masyadong mataas na grado na nagiging isang hadlang para sa ibang
mag-aaral na maging iskolar. Kung kaya’t sa LVCC ay binabaan nila ang required
grade. Ang nais lang ng mga benefactor’s ng LVCC na sina Bro. Eli Soriano,
Chairman Emeritus at Kuya Daniel Razon na maging masisipag ang mga estudyante sa
pag-aaral at huwag sayangin ang pagkakataong naibigay. Isa ding layunin nila na
kung makapag tapos ang mga LVCC Scholars ay sila naman ang tumulong sa ibang
tao na nakikita nilang nangangailangan.
Sa aking
ikalawang taon sa kolehiyo, marami na akong natutuhan at naranasan samantalang
ako’y namamalagi sa LVCC. Hindi lamang akademya ang itinuturo sa amin manapa,
lalo na ang mga katuruang mapapakinabangan namin pag-labas namin ng paaralan.
Sa nagdaang mga aktibidad, hindi ako nagdalawang-isip na makiisa gaya sa mga
pagsulat ng sanysay, debate o talumpatiaan gayundin, sumali ako sa organisasyon
ng mga taong interesado sa pagsusulat.
Naniniwala ako
sa pamamagitan nito ay unti-unti matutuhan ko ang mga bagay na kailangan at
dapat kong malaman. Hindi ko lamang kasi natutuhan ang teknikal na aspeto gaya
ng ano ba ang tamang pagbaybay ng salita sa sanaysay o kung tama ba ang
pagaayos ng mga ilaw at kable, kundi mas malalim pa na pag aaral.
Sabi nga ng
aking guro sa matematika, wala namang equations ka na
sasagutan sa trabaho pero ang lundo kung bakit nag-aaral pa din ng Math ay
tinuturuan ka kung paano ka magtitiyagang sagutan ang tanong. Kung paano ka
haharap sa bawat problemang darating sa’yo. Sa aking palagay, ang malalim na
bahagi ng pagkatuto ko bilang isang iskolar ay yung matuto na makisama at
makipag-kapwa tao, humarap sa tao, magpaumanhin at pagiging handang matuto. Ang
tunay na kahulugan ng Iskolar, bilang isa ding iskolar ay bawat pag-aaral sa
akademya man o kagandahang asal ay isang tool na magagamit hindi lamang sa apat
na sulok ng paaralan. Ito ay pagsasabuhay ng iyong natutunan samantalang nasa proseso
ka ng pag-aaral. Ang bisa ng kaalamang naituro ay makikita sa aplikasyon sa
tunay na buhay.
(Feature Story)