Biyernes, Setyembre 6, 2013

PANALO MO, TULONG MO: 1st UNTV CUP Inilunsad



                               
Nag-aabang, nanabik, umaambon man ay hindi nagpapigil ang mga taong nakahandang manuood at sumporta sa isang basketball game. Ito ay hindi laro ng Philippine Basketball Association (PBA), University Athletic association of the Philippines (UAAP) o ng National Collegian Athletic Academy (NCAA). Sa pagbubukas ng mga pintuan malakasna hiyawan at palakpakan ang isinalubong ng mga manunuood sa mga kalahok sa inilunsad na kauna-unahang UNTV Cup sa Smart-Araneta Coliseum noong Hulyo 29. Pinuno ng mga taga suporta ng proyekto ang loob ng coliseum, samantala, nagpasimula ang programa sa pag-awit ng National anthem ni Birit Baby Runner Up 2009 Shane Velasco. Sinundan naman ito ng pagpapakilala at Ceremonial Parade ng pitong koponan na mula sa iba’t-ibang sangay  ng pamahalaan kasama ang ilang mga sikat na artista.
photo courtesy of DanielRazon.com
Ang pitong koponan na maglalaro ay ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Justice (DOJ), Philippine National Philippines (PNP), Supreme Court (SC), Metro Manila Development Authority (MMDA), Congress/LGU at PhilHealth. Samantalang mayroon namang mga artistang kalahok din sa bawat koponan na sina Emilio Garcia, James Blanco, Allen Dizon, Jordan Herera, Onyok Velasco, John Hall, Eric Fructuoso, Jao Mapa, Michael Flores, Ervic Vijandre, at ang magkakapatid na Kier, Zoren at Brandon Legaspi. Ang sistema ng liga ay ang tinatawag na “Round Robin Eliminations” dito ang bawat koponan ay makakalaban ang pitong teams. Ang tatlo na may pinakamababang iskor ay matatangal at ang apat na may pinakamataas ang siyang makakasama sa Semi-finals round at ang may dalawa namang pinakamataas na iskor sa apat ang maglalaro para sa kampeonato ng UNTV Cup na gaganapin sa Nobyembre. Ang kampeon ay makakatanggap ng 1 Milyon piso at ang runner-up ay may 500,000 na hindi naman mapupunta sa mga players kundi sa kanilang charitable institutions na kanilang mapipili. Kaugnay nito, sa pagsisimula ng laro sa Araneta sa pamamagitan ng pagbunot ng mga pangalan ng mga koponan at ang dalawang napili na maglalaro ay ang team AFP at DOJ. Pinangunahan naman ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon at PBA legend Atoy Co, Commissioner ng palaro ang Ceremonial Jump ball sa pagitan ng AFP at DOJ. Sa 1st quarter ng laro malaki na ang lamang ng AFP sa iskor na 33/16, hanggang sa ikatlong round ay nanguna sila at nakapuntos ng 86/49. Malakas ang hiyawan ng mga tao ng “depensa” subalit, naipanalo ng AFP ang laro kontra DOJ sa 117/71 na iskor.

Ang UNTV Cup ay isa lamang sa proyektong inilunsad UNTV sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon katuwang ang grupo ng Ang Dating Daan at si Bro. Eli Soriano, Presiding Minister ng Members Church of God International (MCGI) na ang pangunahing layunin ay makatulong sa kapwa. Bagaman, pawisan, madapa at mapagod ang mga manlalaro, naglalaro sila hindi para sa kanilang mga sarili ang 1 Milyon piso kundi sa pagkaalooban nila ng mga charities. Gayundin naman, naglulunsad ng mga ganitong proyekto sila Bro. Eli at Kuya Daniel hindi dahil mayroon silang kikitaiin o pakikinabangan kundi dahil nais nilang makatulong. Sa isang banda, hindi din maitatatwa na nailulunsad nila ang mga ganitong proyekto na layon ay makapagpasaya din sa mga tao at makapag-relaks kahit papaano, magkaganun man ang pinakalayunin nila ay maibahagi ang meron sila sa mga kapus-palad at wala na hindi umaasa ng kapalit. 
                                                                                                             (News Feature)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento