Biyernes, Oktubre 23, 2020

YouTube Accounts? Anong Hanap Mo?

 

Mahilig ka bang manuood ng mga videos sa YouTube? Naghahanap ka ba ng mga accounts na pwede mong i-subscribe? Heto, ang ilang list ng mga YouTube Accounts na tiyak na maglalagay ng ngiti sa iyong mukha. News, music, Inspirational advices and more! Kakapulutan ng aral at nakaka relax kung pakiramdam mo ay stress at bored ka.

 


MUSIC CATEGORY

 

WISH 107.5

“Anong wish mo?” Pamilyar na siguro sayo ang tagline na ito lalo kung ikaw ay isang music lover.

Ang Wish 107.5 ay pormal na inilunsad noong August 10, 2014 at kauna-unahan sa bansa na may FM-on-wheels. Ang istasyon ay hindi lang tumutugon sa mga song requests ng mga listeners, ito rin ay may layunin na makatulong sa mga tao sa pamamagitan ng pag- grant sa kanilang mga munting kahilingan.

Wish1075 website

May iba’t ibang programs ang wish 107.5 gaya ng the roadshow tuwing 6pm at Wishpers of love mula 9pm-12am. Maaring mag subscribe sa kanilang channel para sa mga wishclusive performance at pwedeng gawing playlist ang mga uploaded videos nila sa YouTube! 

https://www.youtube.com/results?search_query=wish+1075

 

ASOPTV

Nakakaramdam ka ba ng bigat ng kalooban sa mga nakaraang araw? Pakiramdam mo ba na ikaw ay nalulugmok sa mga problema at pangyayari sa palgid?  Subukang makinig ng mga praise songs para ma-inspire at mabawasan ang nararamdamang kalungkutan!

ASOPTV Facebook Page

Ang ASOPTV ay isang songwriting festival na ang mga awit ay ukol sa pagpupuri. Ito ay bukas sa lahat ng nag iibig sumali at ipakita ang kanilang mga talento.

Ilan sa mga kilalang awit na nalikha ay ang “May Awa ang Dios”, “Kumapit ka lang”, “Purihin Mo ang Dios, Oh Pilipinas”, at marami pang iba. Kaya subscribe at makinig na!

https://www.youtube.com/user/asoptv

 

MCGI MUSIC CHANNEL

Lahat ng mga awitin sa channel na ito ay pagpapasalamat at pag aalay ng pag pupuri. Kaya kung

Hanap mo ay mga awiting solemn at nakakantig sa puso, mag-subscribe ka na dito!

https://www.youtube.com/mcgimusicchannel

MCGI MUSIC CHANNEL YOUTUBE

 

NEWS CATEGORY

 

UNTV NEWS AND RESCUE CHANNEL

Gusto mo bang laging updated sa mga balita? Mag subscribe na sa UNTV channel at maging inform sa mga latest na balita sa loob at labas ng bansa. Ang UNTV ay naglalayong makapag bigay ng makabuluhan at tapat na pagbabalita.  Kilala din ang istasyon sa serbisyo-publiko gaya ng “Tulong Muna Bago Balita”.

https://www.youtube.com/user/UNTVKasangbahay


UNTV FACEBOOK PAGE


 

INSPIRATIONAL VLOGS

 

KDRTV

Sa pangunguna ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon, ang programang ito ay may mga uploaded videos patungkol sa gadget, photography, healthy lifestyle at mga tips kung paano makaiwas sa sakit. May mga short dramas din na may pamagat na K-DRAMA. Tiyak na kagigiliwan ang mga videos sa channel na ito at kapupulutan ng maraming aral sa buhay.

https://www.youtube.com/c/KDRTV/featured

 

Bro. Eli Channel

May mga gumugulo sa iyong isip? Tanong na nakakabagabag? Baka ang iyong hinahanap na sagot ay narito sa “Bro. Eli Channel”. Kung ang tanong mo ay tungkol sa magulang, anak, asawa/partner, o yung ibang karaniwang tanong gaya ng “masama ba maging suplado? “Alamin ang sagot sa Channel na ito. Mag subscribe at turn on mo na din ang notification bell para lagi kang updated sa mga latest videos.

https://www.youtube.com/channel/UCpfAIX0ty_Acz9_QpCKKq1g

 

esoriano.wordpress.com

AYON SA BIBLIA

Tinatalakay sa channel na ito ang mga current events at ilang topics na ukol sa relihiyon.

Kung naghahanap ka ng Biblical guidance, I- click na ang subscriber’s button!

https://www.youtube.com/channel/UCw21SznXMiXM6uN3OO0xINA/about

Ayon Sa Biblia Facebook Page


 

Ang Dating Daan

Ang Channel na ito ay nag bo broadcast ng on-air Bible Expositions at Bible Studies. Hosted by Bro. Eli Soriano! Marami kang matutunan dito na mga aral. Dahil halos lahat ng tanong may sagot sa Biblia. Mula sa usapin ukol sa kaligtasan ng tao, ano ang tunay na relihiyon, pamilya at marami pang iba.

Gusto mo rin bang magtanong? Mag subscribe at mag message sa kanilang page.

https://www.youtube.com/user/angdatingdaan

Ang Dating Daan Twitter

 

Kaugnay nito, naglunsad din ng iba pang channels na translated sa iba’t ibang wika.

I-check ang mga links na ito:

 

English:

The Old Path

https://www.youtube.com/user/theoldpath

 

Portuguese- Speaking Countries:

O Camino Antigo

https://www.youtube.com/user/ocaminhoantigohd

 

Spanish-Speaking Countries:

EL Camino Antiguo

https://www.youtube.com/c/ElCaminoAntiguoOficial/featured

 


Sana ay nakatulong ang article na ito, kung ikaw ay naghahanap pa ng mga YouTube Accounts na gusto mong I-subscribe at i-follow.

 

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento